Isang mahalagang hakbang ang isinagawa ngayong araw sa pamamagitan ng pormal na pagpirma ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng aming tanggapan at ng Land Transportation Office (LTO) Region IV-A kasama sina Mr. Simon Martin C. Barachina – Chief of San Pablo District Office at Mr. Melvin M. Maralit – Assistant Chief. Ang kasunduang ito ay bilang tugon sa kahilingan ng LTO para sa tulong sa distribusyon ng mga license plates para sa mga Public Motorized Tricycle for Hire.

Sa pamamagitan ng pagsasanib-pwersa na ito, mas mapapadali at magiging mas sistematiko ang pamamahagi ng mga plaka sa ating mga lehitimong tricycle operators at drivers. Layunin nating matiyak ang mas maayos, legal, at ligtas na transportasyon para sa ating mga mananakay, kasabay ng pagsuporta sa mga hanapbuhay ng ating masisipag na tricycle drivers.

Patuloy tayong magtutulungan para sa mas organisado at episyenteng serbisyo para sa ating mga mamamayan. Maraming salamat sa LTO Region IV-A sa tiwala at pakikipag-ugnayan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *