Maraming salamat po sa Municipal Social Welfare and Development Office at sa Persons with Disability Affairs Office sa inyong imbitasyon na makadalo sa pagdiriwang ng Ika-47th National Disability Rights Week na may temang:

“INNOVATION FOR INCLUSION: Building Inclusive Communities Together.”

Isang malaking karangalan po para sa amin na maging bahagi ng isang makabuluhang selebrasyon na nagbibigay-diin sa pagkakapantay-pantay, inklusibong pamayanan, at karapatang pantao ng mga taong may kapansanan.

Patuloy po ninyong maaasahan ang aming buong suporta. Serbisyong may Pagmamahal ang aming ihahatid tapat, taos-puso, at may malasakit para sa lahat.

Mahal po namin kayo.🫰❤️