
Bilang bahagi ng paggunita sa Buwan ng mga Kabataan, minabuti ng ating butihing Alkalde, Kgg. Ericson R. Lopez, at Bise Alkalde, Kgg. Victor L. Mitra, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at sa pangunguna ng Local Youth Development Office sa pamumuno ni Bb. Ivy Zuñiga, na magsagawa ng isang Poster Making Contest na nilahukan ng mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Alaminos.

Layunin ng patimpalak na ito na maipamalas ang talento at kamalayan ng kabataan sa mga usaping may kaugnayan sa Sustainable Development Goals (SDGs) at kung paano sila maaaring maging aktibong tagapagtaguyod ng pagbabago sa kani-kanilang komunidad.
