Sa pangunguna ng ating butihing Alkalde Kgg. Ericson R. Lopez, kasama ang ating masipag na Bise Alkalde Kgg. Victor L. Mitra at ang buong Sangguniang Bayan, ngayong araw ay ipinagkaloob natin ang mga bagong kagamitang pambukid sa ating mga magsasaka. Ito ay bilang suporta sa kanilang kabuhayan at upang higit pang mapalago ang kanilang ani.

Lubos din ang ating pasasalamat kina Kgg. Boyet Briz, Konsehal ng Bayan, at Ginang Gladys Thompson, Municipal Agriculturist, sa kanilang walang sawang pagsuporta at pagmamalasakit sa sektor ng agrikultura.

Mabuhay ang ating mga magsasaka! 🌾