Taos-Pusong Pasasalamat

Sa aking minamahal na mga kababayan,

Unang Lunes ng buwan, unang seremonya ng pagtataas ng ating Pambansang Watawat, at aking kaarawan isang espesyal at makasaysayang araw para sa ating Bayan ng Alaminos. Ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa lahat ng biyaya at pagkakataong ito.

Lubos ko rin pong pinasasalamatan ang inyong mainit na pakikiisa at pagdalo sa ating seremonya. Ang inyong presensya ay patunay ng ating pagkakaisa, malasakit, at pagmamahal sa ating bayan.

Maraming salamat din po sa inyong pagbati at pakikiisa sa pagdiriwang ng aking ika-47 kaarawan. Ang inyong suporta at tiwala ang nagsisilbing inspirasyon ko upang mas lalo ko pang pag-ibayuhin ang aking paglilingkod.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat. Ako po si ERIC BOLADO LOPEZ, handang magbigay ng Serbisyong May Pagmamahal! 🇵🇭❤️