Ngayong araw, Hulyo 8, 2025, ay buong puso pong dumalo ang inyong lingkod sa Inaugural Session ng Sangguniang Bayan ng Alaminos, Laguna. Isang karangalan na maging bahagi ng mahalagang pag-uusap at pagpaplano para sa kinabukasan ng ating bayan.

Sa aking naging pananalita, aking iniwan ang mensaheng:

“Asahan po ninyo ang isang daang porsyento ng aking suporta.”

Ako po ay mananatiling tapat sa aking tungkulin at patuloy na maghahatid ng Serbisyong May Pagmamahal, katuwang sina Bise Alkalde Vic Mitra at ang buong Sangguniang Bayan.

Sa sama-samang pagkilos at pagkakaisa, tiyak ang mas maunlad at mas masaganang Alaminos.