Hindi naging hadlang ang pag-ulan upang ipagpatuloy ang aming tungkulin at pagbibigay ng tapat na serbisyo para sa mga mamamayan.

Personal po tayong nagtungo sa Brgy. San Agustin Covered Court upang makiisa at bisitahin ang ating mga kapwa lingkod- bayan sina Bokal Karla Adajar, ang Akay Ni Sol Partylist, kasama ang masisipag na kawani ng barangay at mga BPSO ng Brgy. San Agustin.

Taos-puso po ang aming pasasalamat kay Gobernadora Sol Aragones sa kanyang walang sawang pagtulong at pag-aaruga sa ating mga kababayan sa buong Lalawigan ng Laguna. ❤️

Patuloy po kaming magsusulong ng Serbisyong May Pagmamahal ,serbisyo na may malasakit, katapatan, at puso para sa bawat Mamayan ng Alaminos,Laguna