Hindi magtatapos ang buwang ito nang hindi mararamdaman ng ating mga kababayan ang Serbisyong May Pagmamahal. Sa diwa ng malasakit at pagtutulungan, buong puso nating sinuportahan ang ating mga kapwa lingkod-bayan sa programang Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita (KADIWA).

Sa pamamagitan ng KADIWA, mas pinapalapit natin ang de-kalidad at abot-kayang produkto sa bawat pamilyang Pilipino habang tinutulungan ang ating mga magsasaka at lokal na producer na magkaroon ng mas mataas na kita. Ito ay tunay na pagkilos para sa kapwa gawaing may puso, gawaing may malasakit at dahil sa patuloy na pakikiugnayan ni Mayor Eric, mas dumami ang kaban ng bigas at mas maraming kababayan ang nakabili patunay na sa pagkakaisa, may pag-unlad na tunay na ramdam ng bawat isa

Patuloy nating itaguyod ang mga programang nagbibigay-tulong sa bawat Pilipino. Sama-sama tayong maglingkod, sama-sama tayong aabante.