
Ginanap ang panunumpa ng mga napiling mamumuno sa SPARCLN ASSOCIATION LAGUNA CHAPTER, isang samahan ng mga bayan ng San Pablo, Alaminos, Rizal, Calauan, Liliw, at Nagcarlan. Sa makasaysayang araw na ito, ang ating butihing Alkalde, Kgg. Ericson R. Lopez, ay itinalaga bilang bagong Tagapangulo (Chairman) ng SPARCLN.

Dumalo sa nasabing panunumpa ang iginagalang na Kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Laguna, Cong. Loreto “Amben” S. Amante, at ang mga Mayor mula sa nabanggit na mga bayan, dumalo din ang konsehal ng ating bayan na si Kgg. Joey Briz bilang suporta sa bagong pamunuan.
Kabilang rin sa mga panauhing pandangal si Dra. Jelidora Refrea, tagapanguna ng Rural Health Unit (RHU) ng Alaminos, na siyang kinatawan ng sektor ng kalusugan sa programa.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Lopez ang kahalagahan ng pagkakaisa sa rehiyon:
“Ang SPARCLN ay hindi lamang isang samahan—ito ay isang kilusan para sa pagkakaisa at malasakit. Sa ilalim ng Care Provider Network, layunin nating palakasin ang pagtutulungan ng bawat bayan para sa kapakanan ng ating mga mamamayan.”
Ang kaganapang ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan para sa isang mas progresibo at responsableng pamumuno sa lalawigan ng Laguna.