
Magandang araw, mga kababayan!
kamakailan ay atin pong isinagawa ang SERBISYONG MAY PAGMAMAHAL – People’s Day sa Barangay San Roque, Alaminos, Laguna. Isang proyekto na tunay na nakapagbibigay ng benepisyo sa ating mga mamamayan dahil dito po natin inilalapit ang mga pangunahing serbisyo ng ating Lokal na Pamahalaan direkta sa taong-bayan.
Kabilang dito ang mga programa ng ating MSWD tulad ng Social Services, MAIP natoinal financial assistance-Medical at Gamot Assistance, Burial Assistance at Assistance for Indigent Patients (AICS). Kasama rin ang mga tulong para sa Agrikultura, mga oportunidad sa trabaho mula sa PESO, at iba’t ibang serbisyo ng ating Municipal Health Unit.

Ikinagagalak din natin na nakiisa ang PhilHealth, na nagbigay ng mahalagang oryentasyon ukol sa mas pinalawak at pinabuting serbisyo para sa ating mga kabarangay. Nariyan din ang ating Senior Citizens Office at PWD Office upang masiguro na lahat ng sektor ay ating natutulungan.

Mga kababayan, ang proyektong ito ay hindi natatapos dito. Ipagpapatuloy at lalo pa nating dadagdagan ang mga serbisyong inilalapit natin sa bawat barangay—dahil sa Alaminos, ang pamahalaan ay para sa tao at ang ating pamumuno ay may pusong nagmamahal.

Maraming salamat sa mga taong tumulong sa pagsaayos ng ating programa mula sa ating punong barangay Henry Flaviano, mga konsehales at kawani ng barangay.
Department heads ng ating lokal na pamahalaan, mga staff at personnel na buong puso ang pag Serbisyo. Maraming salamat sa inyo. Patuloy ang SERBISYONG MAY PAGMAMAHAL!