“Isang taos-pusong pasasalamat po ang nais kong iparating kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kay DSWD Secretary Rexton Gatchalian sa kanilang mabilis at agarang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan sa Alaminos, Laguna.”

Matapos ideklara ni Gobernador Sol Aragones ang State of Calamity sa buong lalawigan ng Laguna dahil sa sunod-sunod na pananalasa ng bagyong Crising, Dante, Emong at Habagat, agad pong kumilos ang inyong lokal na pamahalaan na makipag ugnayan at humingi ng tulong sa pambansang pamahalaan upang magpaabot ng Relief Food Packs para sa mga pamilyang labis na naapektuhan.

Sa ngalan po ng buong LGU-Alaminos, lubos kaming nagpapasalamat sa inyong malasakit at suporta. Ang mga food packs na ito ay malaking tulong upang maibsan ang hirap na dinaranas ng ating mga kababayan habang sila ay bumabangon mula sa pinsalang idinulot ng mga kalamidad.

Hindi din po matatawaran ang epekto ng inyong tulong. Sa mga GSO staff, kay Loui-na isa sa mga nanguna na maipaabot ang ating request sa nasyonal na pamahalaan.

Staff, MSWD, MDRRMO pati ang ilang mga kababayan . Ito ay isang patunay na sa panahon ng pangangailangan, ang gobyerno ay kaagapay ng mamamayan.

💬 “Sa Alaminos, hindi kayo nag-iisa. Sa tulong ng ating mahal na Pangulo, ng DSWD, at ng buong lokal na pamahalaan, tayo’y sabay-sabay na babangon.”

Maraming salamat po, Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Maraming salamat po, Secretary Rexton Gatchalian.