Tourism

Coramblan Festival

The religious Patron of Alaminos is Nuestra Senora Del Pilar, its town fiesta is celebrated on the 12th of October every year.

In response to evolving festivity in the Philippines as well as to promote the tourism industry of the town and as tribute for the production of town’s major crop (coconut, rambutan, and lanzones), CORAMBLAN Festival was created during the term of Hon. Mayor Eladio Magampon. Since then, it was annually being held to celebrate the religious Patron of Alaminos and at the same time to promote the different products produced by fifteen barangays.

The festival includes religious activities such as novena, cultural shows which are held every night and participated by public and private schools, NGOs and GOs supported by the local government of Alaminos.

The highlight of this festival is street dancing competition and performances and a trade fair to promote the different products of fifteen barangays.

Nuestra Señora Del Pilar Parish Church – Alaminos Parish Church

Ang Parokya

Bago pa nagging isang bayan ang Alaminos, ito ay mayroon nang sariling Parokya na naitatag noong 1815. Si San Joaquin- Ang Ama ng mahal na Birheng Maria na ipinagpipista tuwing ika-21 ng Agosto ang siyang Patron, ito ang dahilan kung bakit magpasa-ngayon ay ang munting antigong imahen pa rin niya ang nakapatente sa fasada (façade) ng simbahan. Dahilan sa mahimahalang pagkatagpo ng isang munting imaheng garing ng Mahal na Birhen ng del Pilar sa isang balon sa dakong silangan ng bayan, at bunga ng napakaraming panalangin at kahilingang natatanggap ng mga taong nagsasadya upang mamintuho sa kanya, bilang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob, siya ay tinanghal na Patrona o Tagapagtangkilik. Ang imaheng ito ay patuloy na iniingatan ng pamilya ni Gng. Bernabela Fandiño, Maraming mga taong nagsasadyang dumalaw rito, mga maysakit, mag-aaral. Mga kakasalin, mangangalakal at mga mananampalatayang may kanya-kanyang tanging kahilingan o pasasalamat sa Mahal na Birhen.

Ang kinatatayuan ng Simbahan ay makasaysayan rin, ito ang dulong bahagi ng “Hacienda de Calauan” na itinayo ni Miguel Lopez de Legaspi at ipinamana sa kanyang apo na si Juan Salcedo. Matatagpuan pa sana ang mohon ng hacienda sa may punong manga sa tabi ng tanggapan ng Parokya kung hindi ito nasira noong 1996, habang isinasaayos ang kumbento at opisina ng Parokya.

alaminos-parokya-img1

Pamamahala ng Parokya

Mula sa pagkakatatag nito, ang simbahan ay pinamahalaan ng mga paring diyosesano mula sa Arsidiyosesis ng Maynila. Nang itatag ang Diyosesis ng Lipa bilang sufragan ng Maynila noong 1920, maraming pari buhat sa lalawigan ng Batangas at Quezon ang naglingkod na rito. Noong 1954 sa bias ng kautusang Ecclesiasrum Perempla ni Papa Pio XII inihiwalay ang Laguna sa Lipa bilang Diyosesis ng San Pablo. Mula sa panahong iyon hanggang sa kasalukuyan ang parokya ay pinangangalagaan ng mga paring diyosesis na itinalaga ng Obispo ng Diyosesis ng San Pablo.

Mga Naging Kuro Paroko

1895 – Hun. 1897Walang tala sapagkat ang unang dalawang Libros de Bautismo ng simbahan ay nasira na
1895 – Hun.1897P. Sabino Camunoy
Hul. 1897 – Okt. 1897P. Ambrosio Diego Gomez
Nob. 1897 – Mayo 1898P. Miguel Gonzales
Hun. 1898 – Dis.1899P. Francisco Alcantara
1899 – 1906Walang tala dahil Digmaang Filipino-Amerikano
Hul. 1906 – Hun. 1907P. Luis Zaragoza
Hul. 1908 – Nob. 1908P. Francisco Alcantara
Dis. 1908 – Hun.1911P. Estanislao Gran
Hul.1911 – Dis.1911P. Lorenzo Fernandez
Enero 1912 – Hul.1928P. Manuel Ofrasio
Hul.1928 – Peb.1932P. Valentin Azucena
Mar. 1932P. Justo De Los Reyes (Parish Administrator)
Abr.1932 – Enero1934P. Constantino Conti
Peb. 1934 – Hul.1958P. Justo De Los Reyes
Hul. 1958-1961P. Domingo Yabut
1961 – 1965P. Apolinario Lingao
1965 – 1966P. Julio Lipat
1966 – 1967P. Antonio Jacobe
1967P. Nasrio Atienza
1967 – 1968P. Liborio Castillo
1969-1975P. Ramon Kasala
1975 – 1980P. Pedro Silva
1980 – 1981P. Simplicio De Ramos
1981-1982P. Mario Rafael Castillo
1982Msgr. Nicomedes Rosal (Parish Administrator)
1982 – Okt. 1988

P. Quirino Glorioso


Guests Priests: P. Augurio Buendia & P. Felix Abad
Mayo 1988 – Okt. 1988P. Zaldy Fortuno (Parochial Vicar)
Okt. 1988 – Enero 1991P. Rolando Abarca
Enero 1991 – Peb. 1995P. Rene Eriga
Dis. 1994 – Peb. 1995P. Ricardo Pajutan Jr. (Parochial Vicar)
Mar.1995 – Enero 1997P. John Tabot
Enero 1997 – Enero 2000P. Allen Abedines
Enero 2000 – Enero 2003P. Mariano Villamir

 

P. Crispin de Guzman (Parochial Vicar)

Dis. 2002 – Abril 2003P. Domingo Marfori (Parochial Vicar)
Enero 2003 – kasalukuyanP. Jorge Seldon Coronado
Abril 2003 -Agosto 2004P. Bernardo Chumacera (Parochial Vicar)
Set. 2004 – Mayo 2005P. Randy Rodriguez (Parochial Vicar)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *