Kasama ang ating Municipal Administrator, ay naganap ang TUPAD Orientation at Contract Signing sa ating tanggapan. Ito ay hatid ng Department of Labor and Employment sa pamamagitan ng PESO Office sa pamumuno ni Ms. Louella Fajardo.

Lubos ang ating pasasalamat sa DOLE sa paglalaan ng programa na magbibigay ng benepisyo at oportunidad para sa 169 beneficiaries mula sa iba’t ibang mga barangay.

Ito ay nagbibigay-daan sa mas malawakang pagbabahagi ng oportunidad para sa mga manggagawang Pilipino na nangangailangan ng suporta mula sa gobyerno.

Ito rin ay nagpapakita ng pangako ng pamahalaan na itaguyod ang inclusivity at social protection para sa lahat ng sektor ng lipunan, sa layuning mapalakas ang ekonomiya at mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *