Mula sa inyong lingkod, isang taos pusong pasasalamat at Congratulations sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa selebrasyon ng Alaminos Pride Night!

Isang mainit na pagbati sa lahat ng kalahok sa kauna-unahang Alaminos Drag Race na siyang nagbigay buhay sa selebrasyong ito. Ang inyong talento at tapang ay tunay na kahanga-hanga. Congratulations sa inyong lahat! 🎉👑

Sa ating LGBTQIA+ community at Alaminos Ally, ang selebrasyong ito ay para sa inyo! Patuloy nating ipagdiwang ang pagkakapantay-pantay, pagmamahalan, at pagkakaibigan. Sama-sama tayong magsaya at magpakatotoo!

Nais kong ipaabot ang aking pasasalamat sa lahat ng naging bahagi sa tagumpay ng selebrasyon ng gabing ito. Sa ating mga masisipag na Konsehal ng Bayan, organizers mula sa Office ot the Mayor, Tourism Office, sa mga sponsors – Blesces Diagnostic Clinic, Aries Fandino at Force Dynamics Pro Lights and Sound, sa mga masisipag na GIP, sa ating Alaminos PNP, BFP, MDRRMO, GSO, at Traffic Enforcers, Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta sa ating mga programa para sa selebrasyon ng Pride Month, ang inyong tulong ay naging isang malaking bahagi sa tagumpay ng gabing ito.

LGBTQIA+ Community ay Ayos sa Alaminos, at patuloy nating ipapamalas ang pagkakaisa at itataguyod ang pagkakapantay-pantay, inklusibo at pagmamahalan. Ang inyong lakas at tapang ay inspirasyon ng BAYAN NG ALAMINOS.

Proud Alaminozen Ally! 🏳️‍🌈💖

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *