Matapos ang dalawang araw ng walang sawang pagtutulungan, matagumpay nating naihatid ang pag-asa at ginhawa sa 421 benepisyaryo (Tooth Extraction o Bunot) at 1,000 benepisyaryo (Fluoride Application) ng aming Dental Mission dito sa Alaminos, Laguna.

Sa bawat ngiting naibalik at bawat kirot na napawi, nakikita namin ang tunay na diwa ng serbisyong maayos at may malasakit. Lubos ang aming pasasalamat sa Operation Smile Philippines, na walang pagod na nagbahagi ng kanilang kaalaman, husay, at serbisyo.

Sa mga barangay volunteers, healthcare workers, sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Alaminos at lahat ng naging bahagi ng misyon na ito—maraming salamat sa inyong puso at dedikasyon.

Sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano at pagkakaisa, patuloy nating isusulong ang mas maliwanag at mas malusog na kinabukasan para sa bawat Alaminozen. 👍🏽💙

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *