Sa pagdiriwang ng ating ika-56 na anibersaryo, nais kong ipahayag ang aking maligayang pagbati at pasasalamat sa bawat isa sa atin. Sa loob ng mahigit limang dekada, nananatiling matatag ang Tau Gamma Phi sa pagtutulungan, pagkakaisa, at pagmamalasakit sa kapwa.
Ang ating samahan ay hindi lamang simbolo ng lakas kundi pati ng tunay na pagkakaisa at serbisyo sa ating mga komunidad. Patuloy tayong magkaisa sa pagsusulong ng mga adhikain na magbibigay daan sa mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat.
Muli, maligayang anibersaryo sa ating lahat! Mabuhay ang Triskellion!