Isang masayang paggunita sa buhay at pag-asa ang hatid natin sa ating mga Senior Citizen Centenarian. Binibigyang-pugay natin ang ating mga mahal na Senior Citizen na umabot sa mahalagang yugto ng 90, 95 at 100 taon.
Ang regalong ito ay simbolo ng ating pagpapahalaga sa kanilang mahaba at makulay na buhay, pati na rin sa kanilang mahalagang ambag sa ating komunidad. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang kwento ng tibay, lakas at pag-ibig sa buhay para sa susunod pang mga henerasyon.
Maraming salamat sa ating mga masisipag na konsehal ng bayan at OSCA, sa kanilang walang sawang pagsuporta at pagbibigay ng tunay na malasakit para sa ating komunidad. Patuloy tayong magtulungan para sa maayos na kinabukasan ng ating mga mahal na Alaminozen lalo na para sa ating mga lolo at lola.