Isang makasaysayang araw para sa bayan ng Alaminos, Laguna! Sa Signing ng Memorandum of Understanding (MOU), pormal nang ipinasa sa Lokal na Pamahalaan ang responsibilidad para sa Internal Security Operations (ISO) matapos maideklarang nasa manageable level na ang aktibidad ng Communist New People’s Army Terrorist (CNT) sa ating bayan.
Pinangunahan ng inyong lingkod, katuwang sina LTC ROMMEL S. PANGANIBAN, OIC-Task Force Ugnay, at PLTCOL JOJO SABENIANO, Chief PIO, ang mahalagang seremonyang ito. Nakiisa rin ang mga opisyal ng Barangay, mga Kawani ng Lokal na Pamahalaan, at Sangguniang Bayan sa pagbibigay-diin sa ating kolektibong layunin na tiyakin ang patuloy na kapayapaan at seguridad ng Alaminos.
Ang pagkilala sa Stable Internal Peace and Security (SIPS) ay simbolo ng ating tagumpay bilang isang komunidad at ng tiwala sa kakayahan ng Lokal na Pamahalaan na manguna sa pangangalaga ng kapayapaan. Patuloy nating isulong ang pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa isang mas ligtas at mas maunlad na kinabukasan para sa lahat.
Mabuhay ang Alaminos, Ayos sa Alaminos!