Isang gabi na namang puno ng saya at tawanan ang hinandog natin sa ginanap na Mayor’s Night para sa mga kababayan natin sa Barangay San Andres. Bilang pasasalamat sa inyong walang sawang pagmamahal at suporta, nagparaffle tayo ng ibat-ibang mga pa papremyo tulad ng Bigas, Electric fan, at Cash prize.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at naging bahagi ng gabing ito. Ang inyong presensya at pakikiisa ang nagbibigay inspirasyon sa amin para patuloy na maglingkod ng maayos at buong puso.
Nawa’y napasaya namin ang bawat isa sa inyo. Patuloy lang tayong magtulungan para sa ikauunlad, ikagaganda at ikaaayos ng ating bayan!
Muli, Happy Fiesta Brgy. San Andres! Mabuhay kayo!