Pagbati sa Lokal na Pamahalaan ng Alaminos, Laguna!
Sa pangunguna ng inyong lingkod, Mayor Glenn P. Flores, mula 3rd Class Municipality ay umangat na bilang 1st Class Municipality ang Bayan ng Alaminos alinsunod sa tuntunin ng Republic Act No. 11964 (An Act Institutionalizing the Automatic Income Classification of Provinces, Cities, and Municipalities, and for Other Purposes) at batay sa Department of Finance Order No. 074-2024.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at pagmamahal sa aking liderato, kasama ang iba pang mga lingkod bayan sa ating munisipyo, mga department heads, staff, mga lingkod barangay at Sangguniang Kabataan.
I am proud to say na sa loob lamang ng isang termino o tatlong taon ng ating panunungkulan ay nagawa nating 1st Class Municipality ang Bayan ng Alaminos.
Congratulations sa bawat Alaminozen! Pinatunayan natin na talagang AyosSaAlaminos! Mabuhay ang Bayan ng Alaminos!