Isang mainit at taos-pusong pagbati, Bb. Ariella Arida, bilang bagong National Director ng Miss Universe Philippines!
Bilang isang tunay na Alaminozen, ipinagmamalaki ka namin sa bawat tagumpay na iyong nararating. Mula noon hanggang ngayon, patuloy mong pinapakita ang galing, talino, at kagandahan ng isang Pilipinang Alaminozen —hindi lang sa ating bayan at sa buong bansa, kundi sa buong mundo.
Ang buong bayan ng Alaminos, Laguna, ay patuloy ang suporta sa iyong bagong misyon sa paghubog at pagpapalakas ng mga Pilipina sa buong mundo. Patuloy mong dalhin ang dangal ng ating bayan at ng buong Pilipinas!
Mabuhay ka, Ariella!