Isang makabuluhang 1st Alaminos Congress ang matagumpay na isinagawa ng Liga ng mga Barangay ng Alaminos, Laguna headed by Hon. Billy Bautista kasama ang Sangguniang Kabataan Federation headed by Hon. Kate Reyes, na may temang “Moving Forward for Sustainable Good Governance.”
Sa programang ito, muling pinagtibay ang kahalagahan ng responsableng pamamahala, mas epektibong serbisyo publiko, at sama-samang pagkilos tungo sa patuloy na pag-unlad ng ating mga barangay. Sa pangunguna ng Liga ng mga Barangay, ipinakita ng ating mga opisyal ang kanilang pagsusumikap na mag-alay ng mahusay na paglilingkod sa mamamayan ng Alaminos.
Lubos ang ating pasasalamat kay MLGOO Marilen Grace T. Abejero sa kanyang pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman, at sa buong Liga ng mga Barangay at SK Federation sa kanilang inisyatiba at pagsisikap na maisakatuparan ang programang ito.
Ang Pamahalaang Bayan ng Alaminos, sa pangunguna ng inyong lingkod, ay buong pusong sumusuporta sa mga hakbangin ng ating mga barangay leaders tungo sa mas maayos, mas epektibo, at mas progresibong Alaminos!