Ating sinimulan ang National Women’s Month Kick-Off sa pangunguna ng ating MSWD Officer na si Ms. Jeacel B. Oblina at ng ating Committee in Women and Family na si Councilor Badeth Alvarez – Mamiit kasama ang iba pang mga lingkod bayan at barangay.

Ito ay isang makabuluhang okasyon na naglalayong palakasin ang kampanya para sa kababaihan hindi lang sa pribado kundi sa pangpublikong serbisyo.

Maraming salamat po sa lahat ng dumalo at nakiisa sa programang ito. Asahan ninyo ang buong pag suporta ng inyong lingkod para sa ating mga kababayan lalo na sa mga kababaihang patuloy na lumalaban para sa kanilang karapatan.

Mabuhay po kayo! Mabuhay ang mga Kababaihan! 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *