Isang makasaysayang Araw ng pagkilala, inspirasyon, at pagpapahalaga sa ika-apat na Gawad La Trenchera ng Alaminos! Sa pangunguna ni Bb. Leny Corcolon- Public Schools District Supervisor ng Alaminos, isang pagkilala upang bigyang parangal ang mga natatanging indibidwal at grupo na nag-ambag ng kanilang talino, sipag, at dedikasyon para sa kaunlaran ng sektor ng edukasyon sa ating bayan.
Ang selebrasyong ito ay paalala na sa pagkakaisa ay kayang buuin ang isang mas maliwanag na hinaharap para sa ating mga kabataan. Bilang simbolo ng suporta at pagkilala sa kanilang kahusayan at walang sawang paglilingkod ay nagkaloob tayo ng cash incentives sa ating mga awardees bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo, sumuporta, at nagbigay ng kanilang mahalagang ambag upang gawing matagumpay ang Gawad La Trenchera 2024.
Mabuhay ang mga guro! Mabuhay ang edukasyon! Mabuhay ang bayan ng Alaminos! Ayos ang mga guro sa Alaminos!