Isinulong ng Alaminos BFP ang Fire Prevention Month Kick-Off, sa pangunguna nina Municipal Fire Marshal SFO4 Noriel B Alcasid at ng inyong lingkod kasama ang ating MLGOO na si Ms. Marilen Abejero.

Ito ay isang makabuluhang okasyon na naglalayong palakasin ang kampanya para sa kaligtasan mula sa sunog, sa pakikipagtulungan ng mga Barangay, mga sangay ng pamahalaan, Civil Society Organizations at iba’t ibang pribadong establisyemento.

Sa taunang pagdiriwang na ito, tayo ay nagbibigay pugay sa mga bayaning bumbero na naglalaan ng kanilang buhay para sa ating kaligtasan. Mangyaring sumama at makiisa sa ating mga gawain para sa Fire Prevention Month, at maging bahagi ng pagpapalakas ng ating komunidad para sa mas ligtas at maayos na kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *