Nagtungo po tayo ngayong araw sa Bureau of Fire Protection (BFP) Headquarters kasama ang ating Alaminos Fire Marshal, SFO4 Noriel Alcasid para makapanayam si Fire Chief, FCSUPT Jesus P. Fernandez, OIC, upang talakayin ang mahahalagang detalye ng itatayong Fire Station sa bayan ng Alaminos.

Ang pagpupulong na ito ay bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na tiyakin ang mas mabilis at epektibong serbisyo ng BFP para sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng bagong pasilidad na ito, mas magiging handa ang ating bayan sa anumang sakuna o emerhensiya.

Patuloy po nating isusulong ang mga proyektong magpapalakas sa seguridad at proteksyon ng bawat Alaminozen!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *