Isang malaking karangalan para sa Bayan ng Alaminos, Laguna na muling maparangalan ng Good Financial Housekeeping (GFH) 2024 mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG)!

Ang pagkilalang ito ay patunay ng tapat, maayos, at responsableng pamamahala sa pondo ng bayan—isang pagpapatibay na ang bawat pisong inilaan para sa ating mga programa at proyekto ay nagagamit nang wasto at makabuluhan para sa bawat Alaminozen.

Patuloy nating ipaglalaban ang malinis at mahusay na pamamahala para sa mas progresibo, mas maunlad, at mas maayos na Alaminos!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *