Isang gabing puno ng kasiyahan at tawanan ang handog ng inyong lingkod at ng ating mga masisipag na Konsehal ng Bayan para sa mga kababayan natin sa Barangay San Gregorio noong nakaraang Linggo. Bilang pasasalamat sa inyong walang sawang pagmamahal at suporta, naghandog tayo ng iba’t ibang mga paraffle tulad ng Bigas, Electric Kettle, Electric Fan, at TV.
Ang inyong presensya at pakikiisa ang nagbibigay inspirasyon sa amin upang patuloy na maglingkod ng tapat, maayos at buong puso.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at naging bahagi ng programang ito. Sana’y patuloy tayong magtulungan para sa ikauunlad at ikagaganda ng ating bayan!