Sa isang makasaysayang araw na ito, ipinagdiriwang natin ang Ika-126 anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas dito sa ating minamahal na Bayan ng Alaminos! 🇵🇭

Sama-sama nating pinarangalan ang ating mga bayani at ang kanilang sakripisyo para sa ating kalayaan. Nawa’y ang Asul na simbolo ng kalayaan at kapayapaan ay manatiling nasa ibabaw ng Pula.

Sa pangunguna ng inyong lingkod at ng buong lokal na pamahalaan ng Bayan ng Alaminos, maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa pagdiriwang ng ating kalayaan.

Mabuhay ang Kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas! 💙

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *