Isang Makasaysayang Araw para sa Alaminos, Laguna!
Ngayong araw, binuksan na natin ang unang Dialysis Center ng Alaminos, Laguna! Isang hakbang patungo sa mas abot-kayang serbisyong medikal para sa ating mga kababayan na nangangailangan ng dialysis.
Ang proyektong ito ay naging posible dahil sa tulong at suporta ng ating mga kaibigan mula sa Patient First Dialysis Center Corporation, at sa masigasig na pagtutulungan ng Sangguniang Bayan ng Alaminos, Laguna – Hon. Janis Jaron Ilagan, Hon. Badeth Alvarez, Hon. Jeyson Abu, Hon. Jacklyn Villanueva, Hon. Boyet Briz, at Hon. Nicole Arida Pampolina, at sa lahat ng bumubuo ng ating lokal na pamahalaan.
Nakasama natin ang Representive ng ating butihing Congressman Amben Amante na si Atty. Dennis Co at Hon. Yancy Amante. Dumalo rin ang ating matalik na kaibigan at 2nd Nominee ng TGP Partylist na si Engr. Aaron Cabrera.
Maraming salamat sa inyong dedikasyon at tiwala sa ating adhikain! Patuloy tayong maglingkod ng may tunay na malasakit at maayos na pangmatagalang programa para sa bawat pamilyang Alaminozen.