Isa sa mga priority programs ng ating administrasyon ay ang pagkakaroon ng bagong government center at economic growth area sa ating Bayan ng Alaminos upang mas makapaghikayat at dumami pa ang mga investor o mamumuhunan sa ating bayan na makapagbibigay ng karagdagang trabaho sa bawat Alaminozen.

Ang ating bagong government center ay may sukat na humigit kumulang 4.7 Hectares sa Barangay San Agustin ( along CALABARZON Lipa – Alaminos Road ) na pagtatayuan ng mga future development at infrastructures ng ating lokal na pamahalaan tulad ng ating magiging bagong Fire Station , Police Station, People’s Park atbp.

Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal at pagtitiwala sa liderato ng inyong lingkod. Sa kabila ng mga batikos at paninira na ibinabato sa atin ay minarapat natin na magpatuloy sa pagtatrabaho at pagpaplano para sa mas maAyos na Kinabukasan ng Bayan ng Alaminos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *