Iniulat ni punong bayan LORETO M. MASA na patuloy ang pagpapatupad sa pagbabakuna ng mga aso laban sa rabis na isinasagawa ng Office of the Municipal Agriculturist.
Ang pagbabakuna ay isinasagawa batay sa mga paanyaya ng mga punong barangay na kung saan may itinatadanang lugar upang tipunin ang mga aso para sa maayos at ligtas na pagtuturok.
Ang programa sa pagbabakuna ng mga aso ay alinsunod sa itinatagubilin ng Anti-Rabies Act of 2007 o Batas Republika Bilang 9482 na ipinatutupad sa bansa ng Kagawaran ng Kalusugan at ng Kagawaran ng Pagsasaka.
Bahagi din ng programa ang pagtuturo sa mga may-ari ng aso ng tamang pamamaraan ng pag-aalaga nito tulad ng pag-papaligo, mga obserbasyon o palatandaan kung may sakit ang hayop at iba pang bagay na dapat isagawa kung ang alaga nilang aso ay nakagat ng tao. (CPG/Ruben Taninco/PIA-Laguna)