Isang makasaysayang araw para sa ating bayan! Sa unang pagkakataon, nakasama ang Alaminos sa National SGLG Validation.

Ipinagmamalaki nating tanggapin sina ARD Ruperto B. Maribbay, Jr., CESO V, DILG-CAR Assistant Regional Director; LGOO V Valentine L. Atuan, SGLG Provincial Focal Person at LGMES Chief, DILG Ifugao; CH Ma. Lorilyn V. Manrique, Cluster A Head, DILG Laguna; at LGOO II Mariel Ann O. Suizo.

Maraming salamat sa lahat ng mga katuwang namin sa pagsasagawa ng validation na ito—sa mga department and division heads, mga head ng ahensya, civil society organizations (CSO), Sangguniang Bayan, Sangguniang Kabataan, Sangguniang Barangay, lalo na po sa aming MLGOO na si Ms. Marilen Grace T. Abejero, walang sawang nagbibigay ng suporta.

Ang inyong malasakit, suporta, at dedikasyon ang nagbibigay ng lakas sa ating pamahalaan upang patuloy na maglingkod nang tapat at maayos para sa ating bayan.

Nawa ay makamit natin ang tagumpay sa SGLG National Validation, at sama-sama nating isulong ang mas maliwanag at maayos na kinabukasan para sa Alaminos sa pamamagitan ng prinsipyo ng mabuting pamamahala. Ayos sa Alaminos!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *