Sa pagsisimula ng Linggo ng Kabataan, tayo’y matagumpay na nakapagdaos ng Youth Livelihood Training Program na may 35 benepisyaryong kabataan. Sa walang sawang pagtutulungan ng ating masisipag na Lydo Officer na si Ms. Ivy Zuñiga at PESO Officer na si Ms. Louella D. Fajardo, naging matagumpay ang pagsasagawa ng programang ito.

Taos-pusong pasasalamat din kay Ms. Jemelie Villarira, Project Development Assistant, sa pagdadala ng mga ganitong programa na naglalayong tulungan at suportahan ang ating kabataan upang matuto ng iba’t ibang mga pang hanapbuhay.

Salamat din sa lahat ng mga benepisyaryo; nawa’y maging inspirasyon kayo sa iba pang kabataan upang patuloy na magsikap at magpunyagi para sa kanilang mga pangarap. Ang ating pagkakaisa at pagsusumikap ay magdudulot ng positibong pagbabago sa ating komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *