Kasama ang inyong lingkod, taos-pusong pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa paggunita sa makulay na kasaysayan at mayamang kultura ng Alaminos. Sa mga kawani ng pamahalaang bayan ng Bayan ng Alaminos, Mga Opisyales ng Sangguniang Bayan, mga mamamayan, at mga panauhin—maraming salamat sa inyong walang sawang suporta, kayo ang tunay na lakas ng ating bayan!

Sa loob loob ng 141 taon, ang Alaminos ay nagsilbing kanlungan ng ating mga pangarap at ating mga adhikain. Ang bawat hakbang ng ating mga ninuno ay nag-iwan ng bakas na siyang patuloy nating sinusundan. Ang kanilang mga sakripisyo at pagkakaisa ang naging haligi ng ating kasalukuyang tagumpay. Sa ating paggunita ngayon ng Pagkakatatag ng ating Mahal na Bayan, tayo ay nagbabalik tanaw sa makulay na kasaysayan ng bayan ng Alaminos, Laguna.

Isang maligayang ika-141 anibersaryo ng bayan ng Alaminos, Laguna. Sama-sama nating itaguyod ang ating bayan sa diwa ng pagkakaisa, pagmamahal at pag-asa. Mabuhay ang Bayan ng Alaminos! Mabuhay ang ating kasaysayan at kultura! 💙👍🏽

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *