Noong Abril 11-13, 2024, tayo po ay naimbitahan na makapunta sa windmill plant ng ACEN sa Ilocos Norte, gayundin sa kanilang tanggapan sa North Luzon Renewables. Ibinahagi nila ang kanilang mga pangarap at magagandang adhikain para sa ating bansa.

Kasabay ng ating pagbisita ay nakadaumpalad at nakapagtalakayan rin tayo sa Punong Bayan ng Pagudpud, Mayor Rafael Ralph L. Benemerito II. Ibinahagi namin sa isa’t isa ang mga kaalaman, karanasan at good practices ng aming liderato para sa ikauunlad ng bawat bayan.

Ang aming taos-pusong pasasalamat sa ACEN Alaminos team sa kanilang malasakit at pagtanggap sa amin, sa tulong ni Mr. Lee Burgos. Sa tiwala at pagkakaisa, patuloy nating maisusulong at makakamit ang ating hangarin para sa isang maginhawa at progresibong kinabukasan para sa ating bayan 🌱

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *