Ngayong araw po ay nagsagawa tayo ng test-drive and technical showcase ng Electric Tricycle kasama ang ilang miyembro ng ating komunidad.

Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay mapalad tayong mabigyan ng pagkakataong masubukan ang ganitong klaseng sasakyang pang transportasyon. Isa po sa layunin ng ating administrasyon ang matulungan ang ating mga kababayan sa pag gamit ng makabagong teknolohiya kasabay ng pag aalaga sa ating kalikasan. Ang mga e-trike or electric tricycle ay hindi nagdudulot ng polusyon sa hangin at nakakatulong sa pagpapababa ng ating carbon footprint.

Lubos po akong nagpapasalamat sa mga nakiisa at nakijoy ride sa atin kanina. Gayon din sa ating mga stakeholders na siyang nagbigay ng pagkakataon upang maisakatuparan ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *