Isa po tayo sa labindalawang mga mayor sa buong bansa na napili para sa Leadership and Governance Fellowship Program for Mayors noong April 5-6, 2024. Isa po itong patunay na ang ating dinadalang liderato at pamamahala sa Bayan ng Alaminos ay nakikita ng iba’t ibang grupo at foundation tulad ng Jesse Robredo Foundation.
Ilan sa mga guest speaker dito ay sina:
Dr. Maria Fe Villamejor-Mendoza ( Former Dean , National College of Public Administration and Governance, UP Diliman )
Atty. John Bongat (Former Mayor, Naga City)
Atty. Ryan Lita (Local Government and Regional Coordination Bureau Director of Department of Budget and Management )
Hon. Romel Arnado (Mayor of Kauswagan, Lanao del Norte )
Isa sa magandang aral na ating natutunanan sa programang ito mula sa bayan ng Kauswagan ay kung saan ang kanilang lider at mga mamamayan ay nagkaisa upang ipatupad ang mga natutunan ni Mayor Romel Arnado mula sa programa ng LEGO, at ang mga best practices ni dating Mayor, Hon. Jesse Robredo ng Naga City, kung kaya’t ang Bayan ng Kauswagan ay nakapagbaba ng unemployment rate mula 91% papunta sa 9% percent sa loob ng ilang taon.
Dito natin makikita na kapag ang isang lider ay may tamang pagpaplano, sapat na pag aaral at may pakikipagugnayan ng mamamayan sa lokal na pamahalaan ng isang bayan ay may malaking positibong epekto sa pag unlad ng isang syudad o munisipalidad.