Ang naganap na contract signing sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Alaminos, Laguna, Teravera Corporation at DHSUD ay isang malaking hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa bayan ng Alaminos, Laguna.

Sa pangunguna ng inyong lingkod kasama ang DHSUD at si Engr. Aaron Carlo Cabrera, President ng Teravera Corp, ipinagmamalaki naming ipahayag ang pagsisimula ng Alaminos, Laguna Housing Project sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng DHSUD.

Ang proyektong ito ay magbibigay-daan sa mas maraming abot-kayang pabahay para sa ating mga kababayan, na magpapabuti sa kanilang kalidad ng pamumuhay. Isang malaking hakbang tungo sa pangarap nating progresibo at maayos na bayan!

Lubos ang aking pasasalamat sa Teravera Corporation at DHSUD sa kanilang tiwala at suporta. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa ating mga programa lalo na sa mga masisipag nating Konsehal ng Bayan na sina Hon. Jeyson Abu, Hon. Badeth Alvarez, Hon. Jacklyn Villanueva, Hon. Janis Jaron Ilagan, Hon. Boyet Briz, Hon. Nicole Arida Pampolina at SK Kate Reyes.

Salamat din sa ating mga Municipal Department Heads, Stakeholders at iba pang mga Lingkod Bayan at Barangay na patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa ating mga programa.

Ito ay simula pa lamang ng tuloy-tuloy na makabuluhan at maayos na mga proyekto para sa kinabukasan ng ating bayan. Sama-sama nating isulong ang mga programang tunay na makakapagpabago at makapagpapaunlad sa buhay ng bawat Alaminozen. Mabuhay ang Bayan ng Alaminos!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *