Isang makasaysayang araw para sa Brgy. Santa Rosa Alaminos, Laguna!

Sa pagpapasinaya ng konstruksyon ng THREE GROUND LEVEL WATER CONCRETE STORAGE, nagbubuklod tayo para sa mas matatag at mas malakas na komunidad.

Isang programang sinimulan ni former Kapitana Gregoria Catipon at ipinagpatuloy ni Kapitan Elpidio “Dyung” Flores, na sinuportahan ng inyong lingkod, sama-sama nating ipagdiwang ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa kapakinabangan ng bawat mamamayan ng Brgy. Santa Rosa Alaminos, Laguna.

Ito ay isang mahalagang proyekto para sa mas maaasahan at tuloy tuloy na supply ng tubig para sa ating mga kababayan. Sama-sama tayo sa pag aayos at pag-angat ng ating bayan at sa pagtiyak ng magandang bukas para sa mga ALAMINOZEN.

Isang malaking pasasalamat kay G. Delio Manalo sa pagkakaloob ng lupang gagamitin sa pagsasakatuparan ng proyektong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *