Wait, there’s more! Hindi pa tapos ang Pasko sa Bayan ng Alaminos 

Sa ngalan ng pamahalaang bayan ng Alaminos, buong galak naming ipinahahayag ang pagdating ng dalawang (2) bagong ambulansya na magsisilbing mahalagang karagdagan sa ating Super Health Center sa ilalim ng Municipal Health Office headed by Dra. Jing Refrea.

Nais natin bigyang-pugay at pasalamatan sina Senator Francis Tolentino at Congressman Amben Amante sa kanilang mahalagang suporta at malasakit sa mga programa at pangangailangan natin sa ating bayan.

Ang kanilang patuloy na pagtulong ay nagiging daan upang mas mapabuti ang ating mga programa at serbisyo para sa kalusugan at kagalingan ng bawat Alaminozen.

Bilang inyong lingkod, nananatili ang ating layunin na maghatid ng makabago, episyente, at dekalidad na serbisyong pangkalusugan. Tiwala tayong sa patuloy na pagkakaisa at suporta ng bawat isa, makakamit natin ang mas maayos, mas mabilis, at mas maaasahang FIRST CLASS na serbisyo para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *