Isang makabuluhang araw para sa 36 na benepisyaryo ng African Swine Fever (ASF) Assistance Distribution Program ng Pamahalaang Bayan ng Alaminos!

Ang programang ito, sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office na pinamumunuan ni Ms. Gladys D. Thompson, ay naglalayong maibsan ang matinding epekto ng African Swine Fever sa ating mga hog raisers. Layunin din nito na maibalik ang sigla ng kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang suporta upang sila ay makabangon at muling makapag-ambag sa ekonomiya ng ating bayan.

Ang aktibidad na ito ay hindi lamang isang simbolo ng malasakit ng pamahalaan kundi isang konkretong patunay ng ating pangako na magkaisa sa pagtugon sa mga hamon na hinaharap ng ating mga kababayan. Sa tulong ng ibinahaging pondo, nawa’y magsilbing daan ito sa muling pag-usbong ng kanilang kabuhayan at sa mas maayos na kinabukasan.

Lubos pong ipinapaabot ng Pamahalaang Bayan ang pasasalamat sa lahat ng nakibahagi at nagbigay ng tiwala sa programang ito. Nawa’y maging inspirasyon ito para sa iba pang mamamayan na patuloy na nagsusumikap para sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *