Sa ating patuloy na pakikipag ugnayan sa ating butihing Congressmen ng ika-3 Distrito ng Laguna ay nabiyayaan muli ang Bayan ng Alaminos ng programang Libreng Flu Vaccine para sa ating mga kababayan.

Ang programang ito ay handog ng ating idol Cong. Loreto “Amben” Amante, sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Hon. Yancy Amante na ang layunin maabot ang mga nangangailangan at makapaghatid ng pangmatagalang ginhawa pagdating sa kalusugan ng bawat Alaminozen.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagbibigay ng pagmamahal at tulong sa aming bayan. Asahan po ninyo ang suporta ng inyong lingkod at ng lokal na pamahalaan sa inyong mga magagandang programa.

Mabuhay po kayo, Cong. Loreto “Amben” Amante!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *