Nakiisa po ang aking tanggapan, sa pangunguna ng ating Municipal Administrator na si Atty. Mary Ann I. Villanueva sa paglulunsad ng isang livelihood program sa bayan ng Alaminos. Sa pagpapalakas ng serbisyo para sa mga kababaihan sa ating bayan ay naging katuwang natin ang Laguna State Polytechnic University sa pagtataguyod ng kaalaman at kakayahan sa paggawa ng dishwashing liquid soap na isang mainam na home-based business.

Sa ganitong mga pagkakataon ay mas lalong nabibigyan ng boses at puwang ang mga kababaihan sa ekonomiya at lipunan. Malugod nating pinasasalamatan ang liderato ng Laguna State Polytechnic University at ang ating MSWDO sa kanilang patuloy na suporta at pagpapalakas ng kapasidad ng ating komunidad, lalo’t higit sa mga kababaihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *