Isang mahalagang hakbang tungo sa mas magandang serbisyo pangkalusugan! 🩺

Ngayong araw (May 2, 2024), buong pusong ipinagdiriwang natin ang paglagda sa MEMORANDUM OF AGREEMENT para sa pagpapatayo ng ating kauna unahang Dialysis Center sa Bayan ng Alaminos, Laguna.

Sa pangunguna ng inyong lingkod, kasama sina Dr. Edgardo Noblejas Jr. – Medical Director, Mr. Soliman Dela Mar – President (Patient First Dialysis Corporation), at Mr. Leoncio Soriano Jr. – President (Hydromed), naglalayon tayo na magbigay ng dekalidad na serbisyo at pangangalaga sa ating mga kababayan na nangangailangan ng dialysis.

Sa bawat pirma, ipinapakita natin ang ating malasakit at pagkakaisa sa pag-aalaga sa kalusugan ng bawat Alaminozen.

Nais ko din ipagbigay alam ang aking taos pusong pasasalamat sa ating mga masisipag na Sangguniang Bayan Members na sina Hon. Jeyson Abu, Hon. Badeth Alvarez, Hon. Jacklyn Villanueva, Hon. Janis Jaron Ilagan, Hon. Boyet Briz, at Hon. Nicole Arida Pampolina, sa kanilang pagpapakita ng suporta at pagmamahal sa ating mga programa para sa ating mga mahal na kababayan.

Atin pong binibigyang-diin ang dedikasyon sa kalusugan at pag-aalaga sa ating mga kababayan, patuloy na pagpapamalas ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa ating komunidad. πŸ’™πŸ‘πŸ½

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *